(recovered entry from one of my first blog sites)

Marami siyang pera. Oo nga naman. Marami siyang pambili ng pagkaing gusto niya kaya gastos lang ng gastos at kain lang ng kain. Kaya tignan mo yung mga mayayaman. Kadalasan mataba.

Depressed. Common sa mga babae. Kadalasan escape ito ng tao para makalimutan ang isang bagay na nakapagpapasama ng loob niya. Syempre, hindi mawawala diyan ang chocolates para sa babae. At sa lalake naman… Ahmm… Kahit anong mahawakan ng kamay nila? Oo naman. Although parang may nagsabi sa’kin, hindi ko lang matandaan exactly kaya I doubt din yung accuracy ng info na ‘to, na ang mga lalake daw ay more of salty foods pag depressed sila.

Stressed. Escape din yan ng mga tao sa mga nararanasan nilang everyday bullshitness. For instance, meron akong mga sisses na pag binabati ko ang kanilang figure na tumataba, ang isasagot nila sa’kin (palagi ito) ay ‘Sobrang stressed eh’. Which makes me wonder… Hindi ba mas dapat kang pumayat kapag stressed ka? It seemed the other way around para sa kanila. Kasi nga daw, imbis na isipin nila masyado ang isang problema o ang mga problema nilang walang katapusan, eh ikinakain na lang nila. *Shrug* Point taken.

Matakaw. No questions about this naman siguro. Pero I have to admit. There are lots of people din naman na kahit ilang bandehado ang kainin nila kada meal eh para pa rin silang kabilang sa growing poverty-affected population. Meron naman na ang lahat ng kainin nila ay napupunta lang sa isang bahagi ng katawan nila gaya ng boobs, pwet o height. Sorry na lang sa mga sa tiyan. Pero swerte nga ba yun, yung hindi tumataba generally? Pwede. At malas ba yun para sa mga tumataba? Oo naman. May mga kakilala kasi ko na konting lagpas lang nila sa foodometer nila eh tumataba agad sila. Sino bang gustong tumaba ng sobra?

Bored. Walang magawa sa bahay. Tambay. Bum. Pangarap ng karamihan. Masarap kasi kumain habang nanood ng TV. Nguya ka lang ng nguya habang nakaglue yung mga mata mo sa TV, at hindi mo napapansin na dinidilaan na pala ng pusa niyo ang cheese dip ng nachos mo. In short, buhay-baboy. Dagdag pa dito kung…

Madaming pagkaing available sa bahay. Sarap ng buhay! Yung tipong konting kalabit ng sikmura mo, buksan mo lang yung ref eh pili ka na lang sa mga makikita mong pagkain. At pag di ka makagdecide, kukunin mo nalang lahat ng pwedeng mahagip mo. At syempre, kadalasan itong nangyayari kapag…

Bakasyon. Kaya sinong hindi excited sa pagdating ng April at May isama mo na rin ang sembreak at Christmas vacation? Err… Tingin ko yung mga nagtatrabaho na. Kasi wala silang bakasyon katulad ng isang studyante. Kaya kung studyante ka, sulitin mo ang bakasyon dahil pag kumakayod ka na, kailangan mo muna ng minimum of N years of residence sa kumpanya mo bago ma-grant ang 15-day vacation leave. At dahil bakasyon, ito na ang panahon para…

Bumawi sa every deprivation that is applicable caused by effin’ acads and profs and/or bullsh*t projects and bosses. Food. Sleep. Sex. Name it! They can deprive it. kaya pag gutom ka, gutom ka! Kung anong mahablot ng kamay mo, keri na yun. Pero dahil bakasyon, malamang tag-yaman ang ref. Tag-yaman din ang tiyan. Check ang bilbil. Baka tulad na yan ng isang style ng buhok—layered.

May pinaghahandaan tulad ng isang taong gustong bawian? War freak pala. Uy, pwede yun ah. May mga gumagawa no’n. Mag-iipon ng lakas sa pamamagitan ng pagkain ng madami araw-araw para pagdating ng revenge day, prepared siya. Kaso, epic fail ang labas no’n kapag di mo sinabayan ng exercise o any physical practice dahil tataba ka lang. Baka lalo ka lang mahirapang gumanti sa bigat ng katawan mo. Kakahiya.

Sadyang mataba. Nasa lahi. Anong magagawa niya? Eh di makiuso na lang sa mga kamag anak.

Yan ang mga theories ko kung bakit tumataba ang isang tao. Maaaring ang ilan dito ay nag-ooverlap pa nga. Pero minsan nagtataka ko. Di naman ako nanghahamak ng kung sino man no. Bakit may mga nagkeclaim na mahihirap daw sila pero ang taba naman nila? Ang hirap tuloy paniwalaan na mahirap sila kung nagsusumigaw naman ang mga katabaan nila sa katawan. Although may mga cases na kaya daw sila mataba kahit mahirap sila ay dahil may sakit sila. Pero yung iba, wala namang sakit, at mataba sila.

Advertisements